Bago ko po simulan at tuluyang ipakilala ang aking sarili sa inyo mga mahal ko pong mambabasa,tulutan niyo po sana akong ipabatid sa inyo ang layunin ng talambuhay kong ito.Layunin na ipagbigay alam sa inyo na sa likod ng kahirapan ng aming buhay ay eto na po ako,ilang linggo na po ay makakamtan ko na ang isa sa aking mga pangarap.Layunin din ng talambuhay na ito na maipakita ang mga ara na aking natutunan,mga pagsubok na aking dinanas sa aking kabataan at kung paano ko po ito naisabuhay hanggang sa paglaki ko ngayon.
Larawan ko noong ako ay bata pa. |
Taong labing-siyam,siyam na put-apat,ikatlo ng buwan ng Hulyo,bago pa lang sumikat ang haring araw,ay isinilang ang pang-anim at panganay na lalaki ng aming pamilya at iyon ay ako.Pinangalanan ako ng aking mga magulang na Enrico Tibay Abiertas,may palayaw na "Burok" na ipinanganak lamang sa aming tahanan sa pamamagitan ng hilot at kumadrona dito sa Brgy.II-A,Trianggulo,Lungsod ng San Pablo sa probinsya ng Laguna.Ang pangalan po ng aking ina ay Ma.Elena Javier Tibay (kasalukuyang 44 na taong gulang) may trabahong housekeeper o tagalinis ng bahay.At ang aking ama naman ay si Rodrigo Sumainog Abiertas (kasalukuyang 42 na taong gulang).(Narito po ang aking larawan noong ako ay mag-iisang taon pa lamang).
Dahil sa mahirap ang aming buhay,bata pa lamang ako ay nasanay na akong tumulong sa aking mga magulang.sa pamamagitan ng paglilinis ng bahay.Atisinasama rin ako ng aking ama sa tuwing siya ay magtatrabaho sa halamanan,weldingan at kahit sa paggawa ng bahay o pagkakarpintero.
Noong ako ay nagtapo sa elementarya. |
Taong 2000,nang ako ay pumasok ng elementarya at ako ay anim na taon lang dito.Hindi na ako nakapag-kinder kasi sayang lang raw.syempre sa umpisa mahirap pero ng maglaon naging madali na ito para sa akin.Madami rin po akong nakilalang bagong kaibigan.Sa awa naman ng Diyos meron naman akong nakamit na mga medalya.(Isa ito sa mga larawan ko ng ako ay may sabit,kasama ko diyan ang aking ina).At nang ako ay mag-grade 6,lalong nahubog ang aking pagka-husay sa ibang asignatura.Ipinanglalaban po ako sa Hekasi at nanalo ako.Second at Third place .Isa ito sa dahilan kaya't nahigit ang garde ko pataas at naging 1st achiever ako dito.Gumraduate ako ng grade six noong taong 2007 sa mababanga paaralan ng elementarya ng Bagong Bayan.(iyon ang picture ko noong ako ay sinasabitan ng medal at tumatanggap ng diploma).
Ang aking pagtatapos. |
Sa pagpasok ng ikatlong taon ko dito,medyo mahabang paghahanda ang aking ginawa gaya na lang nang pag-eensayo ko ng balibol kasi balak ko sa darating na palarong panlungsod ako ay makikilahok.at pinaraktis ko rin ang aking talento sa pagguhit o pagle-lettering dahil ito ay alak kong kunin sa kolehiyo,ang Drafting.At dumating na ang araw ng pasukan,nakasali ako sa Volleyball Team ng Dizon High at sa una kong paglahok ay napasali agad ako sa unang anim ng aming grupo o first six,bagamat natalo kami dito,may isa pang bagay pa naman akonh pinagtagumpayan,nanalo ako at ang ex-girlfriend ko sa english month,bagamat hindi lang kami napabilang sa mga achievements ko.Sa JS ay nakasama ko,siyempre excited ako kasi first time kong umattend.At alam niyo ba ang first dance ko ay ang aking ex-girlfriend.Ayan ang isa sa mga picture naming magkakaklase noong J.S.
Marami ulit akong sinalihang contest sa bigkasan pati nga sa drawing contest sumali ako,sa tatlong beses kong pagsali ay dalawang beses ako pinalad.Isang araw may malaking bagay na dumating sa aking buhay at ito ay isang english competition,kung saan ako ang magiging kinatawan ng ating paaralan upang lumahok dito.Ngunit sa kasamaang palad,kasabay nito ang Division Meet sa mismong araw na iyon.Syempre po ay may training iyon pareho,hindi ko naman kayang pagsabayin kaya si Mark ,isa sa aking mga kaibigan ko sa aming seksyon na kasama ko ng ako'y ipatawag ni Gng.Banzuela,nagkataong magaling iyon sa akin.Pero naniwala ako na kung iyon ay para sa amin walang anumang hadlang sa akin.
Para naman sa aking minamahal na mambabasa.Nawa sana'y gawin ninyong inspirasyon ang talambuhay kong ito.Huwag kayo agad-agad mawawalan n pag-asa upang harapin ang mga pagsubok at dagok sa buhay.Gawin ninyng malakas ang inyong loob at pananalig sa Panginoon upan itong lahat ay inyong mapagtagumpayan...
Ang 4-Ablaze |
Para naman sa aking minamahal na mambabasa.Nawa sana'y gawin ninyong inspirasyon ang talambuhay kong ito.Huwag kayo agad-agad mawawalan n pag-asa upang harapin ang mga pagsubok at dagok sa buhay.Gawin ninyng malakas ang inyong loob at pananalig sa Panginoon upan itong lahat ay inyong mapagtagumpayan...