Ako noong ako ay 1 buwan pa lamang.. |
Razel Ereño Gatmaitan. Iyan ang aking buong pangalan. Noong ika-tatlo ng marso taong 1995 ako isinilang. Kasalukuyan akong nakatira sa bayan ng San Pablo sa Laguna. Isa akong freshman college student ngayon sa Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo. Ako ay isa sa maraming masayahing tao. Kung malungkot man ako, hindi ko yon pinapakita sa iba. Ako rin yung tipo ng tao na mabilis lumipas ang galit. Magagalit ako pero maya-maya wala na rin ito. Marahil ang mga ugali kong ito ay nahubog sa paglipas ng panahon at sa mga pangyayaring aking naranasan habang ako ay lumalaki. At ang mga pangyayaring ito ay ibabahagi ko sa inyo.
Hindi ko man talagang natatandaan ang mga pangyayari noong ako ay sanggol pa lamang, mayroon akong alam na mga nangyari noon dahil sa kwento ni mama. Ang isang pangyayari dito ay muntik ko na raw ikapahamak. Pitong buwan pa lamang ako noon. Ang bahay namin noon ay hindi kung saan kami nakatira ngayon. Paglabas mo ng pinto ay may maaliit na terrace na masarap pagpahingahan. Dito ay mayroon pang hagdanan pababa, daan upang makalabas ng bahay. Hapon noon, sa terrace naroon si mama at ipinaghehele ako. Bababa sana siya ng hagdan ngunit napasala ang kanyang tapak. Pareho kaming nalaglag. Mabuti na lang daw at pumailalim si mama kung hindi baka may nangyaring masama sa akin. Sa totoo lang ay nagpapasalamat ako sa aking mama. Siguro kung hindi dahil sa kanya ay baka wala na ako ngayon.
nang ako ay magtapos sa Paaralan ng Pook Kasiyahan |
larawan noong ako ay umabay. Apat na taong gulang aki dito. |
Apat na taon ako unang nag-aral. Sa paaralan ng Pook Kasiyahan. Sa katunayan ay wala na akong natatandaang kaklase ko noon. Pero salamat sa larawan nang ako’y nagtapos doon at kahit papaano may natatandaan naman kong pangyayari noong ako ay pumasok doon. Apat na taon din ako noong unang abay ko. Kasal yun ng kumare ni mama. Tanda ko ang liit pa nung kapartner ko noon. Nang ako ay limang taong gulang na, pumasok ako ng kinder garten sa Canossa. Dito , napili akong tagapagsalita o MC sa aming graduation. Ako rin ang 1st honor noon.
ito ay noong nagtapos ako ng kinder sa Canossa. |
Sa San Pablo Central Elementary School ako tumuntong ng ika-unang baitang. Ciderella ang section ko noon. Hindi tulad ng ibang bata na umiiyak kapag iniwan ng kanilang magulang, tahimik lang ako noong unang pasukan. Tahimik lang ako habang sinusundan ng tingin ang papaalis na si mama. Pag nawala na siya sa paningin ko, ibabaling ko naman ang tingin sa mga kaklase ko upang kilalanin ang mga mukha nila Ang iba pa sa kanila ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
Noong grade two naman ako, meron isang pangyayaring hindi ko talaga malilimutan. Ang ingay-ingay namin noon. Biglang dumating ang guro naming galing sa meeting. Pero kami ayun, parang wala lang. Tapos sumigaw ang teacher ko “quiet!”. Medyo tumahimik ang buong klase pero ilang saglit pa’y ang ingay na ulit. Tuluyan nang nagalit ang barino palang si ma’am. Sabi niya ang hindi tumahimik at makita niyang dumadaldal ay papaltukin niya ng eraser ng board. Ayun. At nanahimik na ang lahat. Limang minuto ata ang lumipas na sobrang tahimik namin noon. Maya-maya pa’y napasulyap ako sa lapis na nasa mesa ko. Tiningnan ko yung desk ng iba. Walang nakalagay. Kaya naisip ko na itago yung lapis para pare-pareho kaming walang laman ang desk. Parang bata di ba? Pero bata pa lang naman talaga ako niyan.
Kinuha ko na yung lapis ko. Iniligay ko sa bag na nasa may likuran ko. Sa likuran ko ay may isa pa akong kaklaseng lalaki. Nang isasara ko na ung zipper ng aking bag, bigla na lang may matigas na tumama sa ulo ko. Pag harap ko, lahat nakatingin sa akin. Tapos,nakita ko yung eraser. Pinaltok pala ako ni ma’am! Sabi pa niya,” sabi nang papaltukin ko ang makita kong nadaldal!”. Pero hindi ako umiyak no’n. Hindi naman kasi ako iyakin. Nakaramdam ng hiya, oo. Hiyang-hiya ako nun. Napaka talaga ng buhay. Biruin mo, naglagay lang ako ng lapis sa bag napaltok na ako? Sana pala hindi ko na lang napansin yung lapis ko noon.
Grade three ako noong magkaroon ako ng malaking sugat sa siko. Hindi lang ito malaki, sobrang sakit din! Kita na kase yung laman kaya ang sakitsakit. Lunch break noon. Naghahabulan kami ng mga kaibigan ko.Tapos sumali yung kaklase kong masalaw. Kung hindi ako nagkakamali Erwin ang pangalan niya. Syempre siya ang taya kasi bagong Sali. Nagsimula na silang magtakbuhan. Ako naman nagsisintas pa ng sapatos. Nang Makita kong papalapit sa akin si Erwin, bumwelo na ako. Nakatakbo ako noon pero naabutan niya ako. Pero imbes na hawakan o tapikin lang ako at sabihing “taya!”, itinulak niya ako. At ang lakas ng pagkakatulak niya ha! Kaya ayun, dugong dugo ang sugat ko. Sementado pa naman yung pinaglalaruan namin.
Noong nasa elementary pa lang ako, mula grade one hanggang sa ika-apat na baiting, pabaya pa ako sa hitsura ko. Kumbaga “walang pakealam”. Noong grade four nga ako lagi akong sinasabihan ng teacher ko na magsuklay. Minsan pa nga, napaiyak ako dahil sabi niya ililipat niya daw ako na section. Hindi naman talaga ang hindi ko pagsusuklay ang dahilan. Napasingit lang din yun. Pumunta nga ako noon kay ate tapos ang mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya, ”ate may suklay ka?” Kaya natatawa-tawa siyang sinuklayan ako.
Grade five. Ang adviser ko ang sinasabing mataray at kinatatakutan ng mga estudyante noon. Si ma’am Leonzon. Nanghuhubo kasi siya ayon sa usap-usapan kaya andaming estudyante ang takot sa kanya. Pero sa totoo lang, mabait si ma’am. Kaso nga lang madaming pinabibili. Bawat isa sa aming magkakaklase ay mayroong kit na ang laman ay polbo, suklay, pabango at iba pa. Kaya noon lalo akong natutong mag-ayos ng aking sarili. Hindi rin kami nauubusan ng sabon, bareta man o yung mabango,floorwax at iba pang panglinis. Ang bango bango nga ng CR namin noon eh. Meron ding malaking salamin sa may tabi ng table ni ma’am. Meron ding maliit na parang salas sa loob ng room namin at water despenser. Para ngang hindi iyon isang silid-aralan kundi isang bahay na.
Grade five din ako noong naglaro kami ng spirit of the coin. Noong una hindi ako kasali, nakita ko lang sila kaya sumali ako. Ako kasi, mahilig din sa mga ganoong bagay. Nagsimula na kami. Katanghaliang tapat noon. Malapit sa may lababo at table ni ma’am kami nakapuwesto. Nakapatong na sa piso ang hintuturo at gitnang daliri ng bawat isa. Maya-maya nagtanong na ang isa kong kaklase. Hindi naman gumalaw. Nagtanong kami nang nagtanong. Kunwari pa daw gumalaw, hinihila lang naman namin yung piso. Nagtawanan kami. Umayaw na ako maya-maya dahil nabagot na ako. Wala naman kasing nangyayari pero sila patuloy pa rin sa katangahan nila. Ilang sandali pa ang lumipas, nakita na lang namin na umapaw na yung tubig sa may lababo. Nakakapagtaka kasi ni hindi namin narinig ang pag agos ng tubig. Wala rin naman nagbubukas ng gripo. Baha na hanggang malapit sa may table ni ma’am. Lagot kami. Wala kasi si ma’am noon eh. Nag-iyakan pa yung iba at ang sinisisi ay yung mga naglaro ng spirit of the coin. May nasabi din na ibaon yung pisong ginamit. At ayon nga ang ginawa nila at naglinis na rin kami. Ngayon naisip ko tuloy kung nadoon pa ba yung pisong binaon namin.
Pgtatapos sa elementarya. |
Ako at ang mga kaibigan ko. |
si Krystal,ako at si VJ. |
3rd year. Nitong taong ito naging tamad o pabaya ako sa pag-aaral. Marahil ay impluwensiya na rin ng mga naging katabi kong sina VJ Vitriolo na makulit na masalaw pa at Krystal Ann Gutierrez na kulang na lang ay tumigil na sa pag-aaral dahil madalas absent dahil tinatamad pumasok. Kalimitan mo kaming makikitang hindi nakikinig sa math. Sa totoo nga lang wala ata ako naintindihan noon dyan sa subject na 'yan eh. Minsan pa nga nagpicturan lang kami kahit na may klase. At pag may test lagi lang kaming nangongopya sa mga “willng” magpakopya. Ang mga kalokohan ito ay bahagi rin ng masaya kong buhay estudyante na hindi ko malilimutan.
Larawan noong mini olympics kasama si Gng. Inay |
Taong 2011-2012. Ngayon nga ay isa na akong college student sa Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo.. Kursong BSIT ang aking kinuha dahil ito lang ang nakakuha ng aking interes. Sa pinaka mataas na seksyon ako napunta, di gaya nung highschool , maunti lang kami.. Lagi pa sinasabi ng mga teacher namin na pili daw kami kea inaasahan nila na magaling kami..KEME. haha.. Pero kahiit ganun , kahit maunti lang kami , masaya pa din.. may anim akong barkada na masarap kasama: si Shiara , klasmeyt ko na ng highschool at super galing kumanta..takenote siya ang nanalong SAN PABLO IDOL dati; si Sarah , 1st impression ko sa kania maarte at tahimik pero boom! nung nakasama ko na , super daldal. At di rin siya maarte.. sarap nga kasama ee; si Jamaica,ito naman yung akala kong suplada at mature na kum mag-isip, pero lagi na lang mali impression ko sa una..haha. Para siyang bata at makulit din; si Liezel naman yung totoong mature na mag-isip..pero minsan di din.. haha.. bilib ako sa lakas ng loob at sa lakas mantrip nito at si Janine, makulit at mabait.. pero nagalit na ako sa kanya.. haha . pero wala na yun.. at wala va rin siya.. di pa patay ha.. tumigil lang siya nan 2nd semm pahed kasi ee , ayaw nama daw talaga niya ng IT.hmp. Sila lagi kum kasama sa school, syempre minus 1.. hehe .
uy sanka sa spc
ReplyDelete