Thursday, February 17, 2011



              Ang Talambuhay ni Wilbert G. Vergara
                           (Ang batang Sandigan)
Baby wilbert



           Isang araw Setyembre 20, 1995 sa isang tabing dagat sa Victoria,Laguna. Pasikat na ang araw, nagsisi ingay ang mga hayop. Isang babae na nagngangalang Marita Vergara (ang aking ina) ang kasulukuyang magluluwal ng isang sanggol sa bahay ng kanyang mga magulang na sina Aurelio at Maria Gianan (ang aking lolo’t lola). Makailang sandali pa laang bago tuluyang sumikat ang araw. Iniluwal na ng babae ang isang sanggol (sino? Ako lamang iyon). Ako ang sanggol na pinangalanang Wilbert G. Vergara. Laking tuwa ng aking mga pamilya ng ako ay naipanganak. Sa araw ding iyon napa ukit na sa talaan ng mga lahi ng aking pamilya ang pangalang Wilbert G. Vergara.




Ang aking pamilya
        Nang unti-unti na akong lumalaki, ako ay alagang alaga lalu na ng aking mahal na pamilya. Hindi nila hinahayaang madapuan ng anumang insekto o mga sakit. Sa paglaki kong iyon, sa poder ng aking lolo at lola. Dito ako nag simulang makamulat, mag lakad, magsalita at iba pa. sa unti unti kong pag kamulat sa mundo. Aking naramdaman ang labis na pag mamahal, pag aaruga at suporta ng aking buong pamilya.


  

ako ay 2 taong gulang
         Noong ako ay nag dalawang taong gulang pinili ng aking mga magulang na mamuhay ng malayo sa pamilya. Para matutunan mag sarili at hindi asa nalang sa kanilang mga magulang. Lumipat kami sa syudad San Pablo, Laguna. Kung saan nakapag tayo at nag simula sa maliit na bahay na ani moy kubo. Na malapit sa ilog na napapalibutan ng mga berdeng bagay mga halaman, puno,bulaklak lahat ng makikita sa gubat. Ang aking ama ay isang magsasaka na maraming alagang hayop gaya ng: kabayo, baka, ibon, aso at marami pang iba. Ang mga hayop na ito ang napag kukunan namin ng mga pagkain, katulong sa pagsasaka, naipag bibili o naipapalit sa kapaki-pakinabang na mga gamit. Pero ang naging malaking tulong sa amin ay ang marami naming kabayo. Dahil sa nagagamit namin ito para kumita ng malaki at nakaka tulong din ito sa mga tambay sa amin. Tinuturuan ng aking ama ang mga tambay na magbanat ng buto. Sa pamamagitan ng pag papahinete ng iba naming kabayo at pag kumikita na sila kaiy hahatian nila
. Sa ganitong paraan nag simula ang pamumuhay namin.


Ako at ang
aking mga kapaitd
 sa aming tahanan

Ako ay
4 taong gulang


          Noong kami ay maka ipon ng ng malaki laking pera. Bumili ng lote ang aking mga magulang na hindi kalayuan sa kanayunan sa Brgy. Sta Catalina. Dahil doon naging mas ma alwan o naging mas maayos na ang aming pamumuhay. Sa bago naming tahanan marami na kaming naging kapit bahay. Karamihan sa bata dito ay aking naging kaibigan. Pero ng simula ay ako ay laging nakikipag suntukan sa kanila. Minsan batohan ng putik suplahan ng bignay. Kaya sa pag uwi sa amin ako ay laging nagugulpi ng aking ina, kurot sa singit at pingot sa ilong ang aking pabuya sa aking kapilyuhan. Sa umaga aging laro ang inu una suot sa banlat para maka takas at makapunta sa kapit bahay. Makikipag laro ng mga larong pinoy gaya ng piko, tumbang preso, sikyo , beng-sak, tagutaguan, tatlong sipol at ang paburito ko na laro ang patintero. Sa patintero ako nahilig sapagkat napakasaya mag laro nito. Kailangan dito ng pag kakaisa listong isip, kilos o galaw.



pag tatapos sa
ika unang baitang
sa San Lorenzo


pag tatapos
sa ikalawang baitang
San Roque
ako at si lolo
            Noong ako naman ay mag simula ng pumasok. Ipinasok ako ng aking ina sa Sta Catalina Elementary School sa unang baitang. Sa pagsisimula ng pag aaral ako ay ayaw tanggapin sa pagkat wala ako sa wastong gulang, limang taon palanbg ako noon. Ako ay naging “saling pusa” sa klase. Ngunit ng mag tagal ako ay natanggap din bilang isang regular na estudyante. Sa una puro kalokohan ang aking ginagawa. Pero naipapakita ku naman ang aking anking talino sa klase. Ngunit may pang yayaring nag pagulo at nag pahirap sa aming pamumuhay. Ang aking ama ay nakasuhan ng pagbaril sa isang tomboy sa aming barangay. Siya na akusahan sa hindi niya ginawa. Dahil dito unti unting naubos ang aming mga ipon mga alagang hayop na ginamit namin sa pampiyansa sa aming ama. Dahil din dito nag aplipat lipat ako ng eskwelahan sa unang baitang napalipat sa San Lorenzo Elementary School. Sa poder ng aking tiyahin na nag ngangalang Nena V. Bitong(ang aking tiyahin). Si tiya ang kumupkop sa amin panandalian at tumulong sa kaso ng aking ama. Napalipat ulit ako ng ikalawang baitang sa San Roque Elementary School. Sa poder naman ng aking mga lolo at lola pinag aral ako doon sapagkat tumitindi ang labanan sa kaso ng aking ama nag kakaroon ng banta sa aming mga buhay. Sa piling ng aking mga pinsan parang hindi ko naranasan na may problemang nangyayari. Dahil wala pa ako sa kamuangan.






        Nang mapatunayan na ang aking ama ay hindi nagkasala. Pinalaya na si ama at surpresang nag pakita sa akin. Laking tuwa ko ng makita ko ulit ang aking ama. Dahil don unti unti naring bumalik sa dati ang pamumuhay. Nag simula ulit kami ng panibagong buhay. Nag sipag na ulit ang aking ama para kami ay umunlad na ulit kami sa tulong narin ng aking ulirang ina. Na nag paka hirap para matapos ang kaso ng aking ama. Bumalik na ako sa aming tirahan at doon na ulit nag aral. Nag balik ulit ako sa eskwelahan sa amin doon ako nag tapos ng elementarya. Pag katapos ko nga elementarya maraming papuri at karangalan ang aking natanggap.





Pag tatapos ng elementarya
         Sa pagtatapos ng elementarya. Ako ay Pumasok sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Dito kumuha kami ng pagsusulit ng aking mga kaibigan para mapabilang sa antas ng “science’ ang pinaka mataas na antas sa Dizon High. Kami nina paul john, gimuelle, sharmaine, at sarah ay nag aasam na makabilang sa mataas na section. Ngunit sa kasamaang palad kami laang ni paul John Dorado ang nakapasa. Kaya nag kahiwalay kaming mag kakaibigan. Sa pag pasok namin nakakilala na ulit ako ng makukulit at medyo pilyong mga ka klase sina Leo valdez(ang aking laging kakwentuhan) si earl(ang makulit na bibong bata) si Kim Ramoz at Kevin Militante( ang laging napapahamak gawa namin ni leo). Maraming pang yayari pa ang nang yari sa amin. Labas sa amin ang kakulitan noon. Puro kapilyohan ang mga pinag gagawa namin noon, Paglalagay ng chalk sa bangko para pag umupo patse ito sa palda o pantalon ng mga kaklase namin tinawag namin itong “ITCHIBI” na parang isang tatak ng katarantaduhan. Pag hahabulan sa may Oval ng Dizon high na ani mo ay mga batang kalye. Pag dating na huli kay Mam Belen ng late dahil sa nag computer. Ang aming pamimiyesta sa mga kamag aral na nag dadala pa ng pansuhol sa hindi pinasukang asignatura. Pag dadala ng itik na napanalunan ko sa palabunutan sa “fiestahan” na itinago sa locker ng aking binalikan puro ipot na ang gamit ng aking mga kama agaral at sa marami pang kakulitan na hindi na mabilang. 




       Nakilala ang mga mahuhusay na guro para sa akin ng Dizon high na sina Gng. Montaña(ang guro ko noon 1st year at ngayong 4th yearsa matematika) na napakabilis magturo at naiintindihan namin agad, G. Sinen(ang palabirong guro ko ng 2nd year sa Bio-tech) ang laging ina abangan naming magturo na napaka galing mag paliwanag, Gng. Bondad(guro ko sa matematika ng 2nd year) an guro ko na laging nag kukwento ng kanyang buhay bilang palatastas sa pag tuturo, Sir Lacsam(guro sa TLE) ang laging tumatawag sa amin ng kung anu anu gaya ng kamote. At si Gng. Audije(guro sa filifino IV) ang mapag pasensyang guro ko na napakabait sa amin lahat na tinatawag naming “inay”.



Ang sandigBoyzz
Mga batang sandigang bayan
  


  Sa Dizon High marami akung natutunang mga bagay ditto rin ako ay maraming nakilalang kaibigan nabuo ang samahang sandigboyz. Na kina bibilangan nina Paul John D. Dorado, Earl William Mikhail A. Florez, Cristian Gimuelle G. Cierte at Wilbert G. Vergara(ako).



Itutuloy……………..



     Dito ko na po muna tatapusin ang kwento ng aking buhay at tutuklas pa ako ng mga bagay bagay sa mundo…



Salamat sa bumasa. Naway may natutunan kayo sa aking talambuhay.

No comments:

Post a Comment