Friday, February 18, 2011

Ang Talambuhay ni Medilene Tolentino (Ang taong puno ng pag-asa)

Noong ako ay sanggol pa lamang.

    Magandang araw sa inyo.Bago ko simulan ang aking talambuhay,nais ko muna magpakilala.Ako si Medilene Alano Tolentino,lumaki sa Sto.Angel sa piling ng aking mga magulang.ang pamilya ko ay simple lamang at nabibilang sa may kaya sa buhay.Masaya kami't sama-sama palagi,kaya masuwerte ako at may ganito akong pamilya.

   

   Mayroon akong 9 na taong gulang na babaeng kapatid at 3 buwang gulang na sanggol na lalaki.Isa lamang ang aking mithiin sa buhay,ang maiahon ko ang aking pamilya sa hirap at maipadama ang masaganang buhay.






    Sa simula pa lamang ay wala na kaming permanenteng bahay,madami kaming natirhan.Noong bata pa ako ay sa Sn.Antonio at noong 5 taon na ako ay dito na sa Sto.Angel.Pero di dyan nagtatapos.Noong knder ako ay pumasok ako sa Central,ang di ko malilimutan non ay noong nawala ako at iyak ng iyak ako.Hanap-hanap ko noon si mama pero hindi ko makita.Kaya pumunta nalang ako sa may gate at inantay ang mama ko doon.Noong makita ko ang pamilyar na damit ay napakasaya ko dahil si mama iyon.Noong grade 1 naman ako ay sa Quezon Catanauan,bundok yon at mahirap ang buhay,kaya ako pumunta doon dahil umalis ang aking ina at nangibang bansa kaya sa lola ako nakatira,minsan gabi-gabi ako naiyak dahil hindi pa ako sanay pero noong nagtagal ay nasanay na din.

    

Ako ay umabay sa larawang ito.
  Noong grd.4 at 5,ay bumalik na ako ulit sa Quezon.Ang hndi-hindi ko malilimutan ay noong nanuno ako.Nagkaroon ako ng isa pang dalri sa paa.Natakot ako noon,sobrang sakit pa,pero nawala din ito dahil pinaalbularyo.Noong grd.5 ako doon ako nagkaroon ng unang crush,si arjay Capili.Gwapo at hawih ni Kevn Calzer.Mabait at maalalahanin.Araw-araw bbiya akong hinahatid kaya ako may inspirasyon kay ako nag Top 1 sa klase.


   Pero sa kasamaang palad,ay bumalik na ulit ako sa San Pablo dahil dumating na ang aking mama.Kaya noong grd.6 ay sa sto.Angel na ulit ako nag-aral.Madami akong naranasan dito,may crush ako noon at nagka-gusto din siya sa akin.ang pangalan niya ay Adrian Martinez,binigyan niya ako ng singsing pero hindi ko ito tinanggap dahil hindi ko pa alam ang aking gagawin.Masaya ako noong gumraduate ako dahil magiging high school na ako.Noong 1st year ako ay 1-A ako noon.Wala akong kakilala.simula noon nakipagkaibigan ako kung kani-kanino pero mas naging malapit ako kay Judy-Ann.Napakadami naming pinagsamahan at nagkaroon ako ng mas madaming kaibigan.

  Noong nag-bingo kami ay napaka-saya dahil nag-bonding moments kami.Noong 2nd year ay kabilang naman sa Florante at Laura,kami'y mambibigkas noon at nagkamit ng unang puwesto.Noon namang 3rd at 4th year ay excited kami sa J.S.Sa taon ding ito nagkaroon kami ng NAT,kaya sipag na sipag kami sa pagre-review,buti na lang at pasado kaming lahat.Ang di ko pa malilimutan ay noong nag-science camp.Napakadaming activity na ginawa.Nakakapagod pero napakasaya.Lalo na sa tuwng kami ay pipila na para kumain,ang gugulo namin.Mas ginalingan ko pa noong 3rd year ako dahil madami akong kaklaseng matalino.Madalas akong sumasali sa mga patimpalak.Magaling akong sumataw dahilang mga magulang ko ay nahiligan din ito.Kaya lalo ko pa itong pinag-huhusayan.

   Manlalaro din ako noon ng table tennis,kaya mnsan ay napapabaayan ko ang aking pag-aaral,kaya bumaba ang aking marka sa Math.Pero ginalingan ko na it noong huling markahan.Nag-outing kami noon sa Cresta Monte,napaka-daming pagkain,Crispy Pata,Spaghetti,Palabok,Caledereta,Adobo at Tulingan.Ngunit ako ay nalunod noon,but na lang at ako ay nasagip.Kaya tumigil muna ako sa paglalangoy at ako'y nagpahinga muna.

   Pero noong pahuli na at ayos na ang aking pakiramdam,muli akong lumangoy at maya-maya pa'y umahon na ako para magbihis na at maligo.Nung pauwi na kami ay nadapa pa yung classmate ko kaya tawanan kami at nang makarating na ako sa amin ay bagsak ako at natulog na.

  Nagkaroon ulit ng Science Camp noong 3rd year.Noong natalon kami ay nasiko ko si Jelyn at nagdugo ang kanyang ngipin,hindi ko naman snasadya dahil natalon nga kami.Noong nagpapahabaan naman ng damit sa oval ay humiga na kami sa lupa,basang-basa kami ng paws,pero napakasya naman noong mga sandaling iyon.Pagkatapos ay pumunta na kami sa silid at naghanda ng higaan namin.Tabi-tabi kaming lahat at hindi pa nagsitulog dahil nagkwentuhan pa kami.Mga bandang 4am na kami natulog noon,at pagkagising namin ay pahirapan kaming maligo dahil walang ilaw at ang hina ng tubig.Pila pila kami noon at super lamig pagkatapos maligo.

  Pagkatapos noon ay naghanap kami ng kape sa tindahan ngunit wala naman kaya bumalik na lang kami.Napakasaya noong mga sandaling yoon.
  

  At ngayon graduating na ako,ang unforgettable moment ay yung nag-js kami na ang theme ay hawaiian.Masaya ang naging programa,mayroon pang nag-fire dance,lahat kami ay napahanga nila.Adik na adik kami sa picturan dahil wala na kami nun magawa.At ngayong graduating na kami ay marami akong plano sa buhay pero ang masama,titigil muna ako sa susunod na taon kaya pagsisikapan ko na makatapos ng kolehiyo at magkaroon ng magandang trabaho para hindi na umalis si mama at magsama-sama na kami.Nais kong magkaroon ng negosyo tulad ng restaurant o kompanya.

Ang kasaukuyan kong larawan.

 Nais ko din bumili ng magandang bahay at madaming sasakyan.Bibigyan ko ng tigitigisang bahay ang mga tita ko at ibibil ko si tito at si papa ng isang pajero.
  Talagang magsisikap ako upang ako ay makatapos.At ang mabuti pa niyan ay may 6 na buwan akong boyfriens.Madami din siyang pangarap sa buhay at kasalukuyan siyang nagtatrabaho at napag-aaral niya ang isa niyang kapatid.Masaya ako dahil nandiyan siya na magging inspirasyon ako hindi lang siya kundi ang Diyos at aking mahal sa buhay.At sa kahaba-haba ng buhay ko ay dito na nagtatapos ang aking paglalahad pero hndi pa diyan.Nagtatapos ang kwento ng buhay dahil madami pa akong mararanasan sa buhay,mga pagsubok at tagumpay.Sa paglaon ng panahon,hindi magbabago ang isang Medilene,dahil ako at kailanman ay hndi magbabago.

  At sa muli,salamat sa pagbabasa ng aking talambuhay,sana ay may napulot kayong aral sa kwento ng aking buhay.
MARAMING SALAMAT.....
    


    

No comments:

Post a Comment